 |
 |
 |
 |
 |
|
Monday, January 04, 2010
tapos na ang mahabang bakasyon. umpisa na naman ng pasok sa opisina. balik traabaho na. kapag pumapasok, di ako nagdadala ng baon. ayaw ko ng may dala-dala. pero ngayong bagong taon, umpisahan natin sa isang pagbabago. meron akong bitbit... dala kong baon ang iyong mga ngiti. alam kong matatagalan pa ang muli nating magkita. kaya kung saan man ako magpunta ay dala ko ito sa aking alaala. --------- grade six ako, uso pa sa public elementary school ang tulong-dunong program. mga high school student galing sa ateneo ang nagtuturo. pumupunta sila sa paaralan namin sa marikina kada araw ng biyernes para sa tutoring program. science, english at math ang tinuturo nilang subject. sa karaniwang oras ng pasok, alas sais 'y media hanggang alas onse 'y media lang ang pasok namin pero kada biyernes ay extended ang oras hanggang alas dos ng hapon. doon na kami inaabutan ng tanghalian sa eskwelahan. pero hindi na pwedeng umuwi kaya ang choice mo eh magdala na ng baon para sa lunch. since malapit lang naman ang bahay sa school, dinadalan na lang ako ng nanay ko. ganon din ang iba kong mga kaeskwela. bawal ang mga magulang sa loob ng school kaya iiwan na lang sa guard at sila na ang bahalang magbigay sa estudyante. oras na ng kainan, nakuha ko na ang iniwan ni nanay. binuksan ko ang supot, aba may bagong baunan at ang sarap ng ulam. alam mong bagong luto dahil ramdam ko pa ang init ng plastic na lalagyan na may disenyo ni aladin na nakasakay sa carpet. grupo-grupo ang pagkain. apat kada miyembro. kaya sila lagi ang kasabay ko tuwing biyernes. pag uwi ko sa bahay hinanap na ni nanay ang baunan para hugasan at hindi mamaho. sabi ko nasa loob ng bag kaya siya na ang kumuha. nagtaka sya dahil iba ang baunan ko. sinabi ko naman sa kanya na iyon ang ipinadala nya. pero sabi nya na hindi iyon ang inabot nya sa guard. nagkamali pala ng lagay ng pangalan ang gwardiya at mali din sya ng pagkaka-abot sa akin. ang laman ng baon na ipinadala ni nanay ay isda. malas na lang ng kaklase ko dahil yun ang napunta sa kanyang ulam. 
Posted at 09:15 am by ranberzul
ibang estilo
Sunday, January 03, 2010
my 2009 was year of backpack adventure, festival celebration & travel and photography.
- tanay, rizal - puray falls, montalban - clark field / angeles city, pampanga - mt. tagapo trekking - san narciso, zambales - bontoc - sagada - banaue - paluan, occ mindoro - coron, busuanga (palawan) - bolinao, pangasinan - camp magsaysay, nueva ecija - gensan - naga city - guinobatan, albay - hoyop hoyopan cave (camalig albay) - caramoan, camarines sur - cagbalete island, mauban quezon - subic, olongapo - daraga, albay - legazpi city - cagsawa
- caracol festival (makati) - hot air balloon festival (clark field) - bangkero festival (pagsanjan, laguna) - aliwan festival (ccp complex) - penafrancia festival (naga city) - higantes festival (angono, rizal) - pakalog festival (santolan, pasig)
Posted at 08:08 am by ranberzul
ibang estilo
Saturday, January 02, 2010
bago mag new year, may pinuntahan akong birthday na ginanap sa mcdo. syempre ang pinaka highlight para sa mga bata, ang pinakakaabangan paglabas ng mascot. since mabusisi kapag si mc donald mismo ang gagamitin (ilan minuto lang naman makikita, pero ilang oras ang gugugulin para sa kapal ng make-up) kaya kadalasan si grimace ang ginagamit sa celebration. palabas na ang mascot na si grimace. di ko mawari kung ano talaga ang itsura nya at kung anong produkto siya ng mcdo.. habang naglalakad tinatawag sya ng batang bisita sa pangalang... barney :D _____________ sabi nila, ang mga pelikulang kalahok sa metro manila film festival kadalasan ay pambata. ewan ko ba dahil di ko na maappreciate dahil na rin sa katandaan ko. pero kahit comedy ang mga kasali di rin nakakatawa o di ka rin ma-e-entertain. buti pa sana gawin nila ang "batibot the movie". isipin mo na lang dahil sa makabong panahon na eh digital na si pong pagong at kiko matsing. i'm sure mas papatok yon sa takilya kesa sa walang kalatuy-latoy na wapakman :D 
Posted at 08:20 am by ranberzul
ibang estilo
Friday, January 01, 2010
happy new year! bagong umpisa, bagong panimula.  when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it. - paolo coelho when a person really desires something, all the universe conspires to help that person to realize his dream. - paolo coelho yes i want something, and the people around me (without them knowing) help me to accomplish it.
Posted at 09:01 am by ranberzul
ibang estilo
Thursday, June 18, 2009
 you'll never know the value of one thing until you've lost it pero minsan pag may kinuha mas maganda pa pala ang ibinibigay na kapalit.... sana ay ikaw na nga :D matatagalan pa uli bago tayo magkita... for the mean time, see you again in my dreams :D mode: naiinip, bagal ng oras at araw
Posted at 08:37 am by ranberzul
ibang estilo
Monday, June 15, 2009
parang selecta tv commercial lang...
sarap ng weekend :D
Posted at 08:10 am by ranberzul
ibang estilo
Friday, June 05, 2009
welcome to the next level
welcome to the next level...
5... 4... 3... 2... 1
(already) moved on
no more bitter moments
mode: inspired
Posted at 08:56 pm by ranberzul
ibang estilo
Saturday, May 16, 2009
nakakagago...
miss ko nang makareceived uli ng message kahit ang laman lang ay
"hahaha! gago ka talaga blue. hehe"
kailan nga ba ang huling beses na nagpadala ka ng ganyang mensahe? matagal-tagal na rin pala.
Posted at 07:16 am by ranberzul
ibang estilo
Friday, May 15, 2009
what i want is what i've got
nakiayon ang panahon at hindi naman ako binigo. ang tagal kong naghintay. di na mabilang ang araw kung ilang beses umasam na darating ang araw tayo ay magkakatagpo.
nagkita nagkakilala
yun nga lang...
ikaw ay kanyang muling kinuha inilayo hanggang sa naglaho
Posted at 10:27 pm by ranberzul
ibang estilo
Thursday, May 14, 2009
pinalitan ko na ang banner ko sa multiply na everywork of mine is a masterpiece. almost 3 years din syang nakadisplay sa headings.
una kong inilagay ay "all buses leads to cubao" (pagkatapos ng road trip sa baguio -bontoc -sagada -banaue) tapos dinagdagan ko ng "kaya hindi ka maliligaw, tara road trip na!"
_________
sabi nga, one way to know the person is ask them kung nagyoyosi. umiinom ng beer or nag ko-coffee.
marami na rin akong naging kakilala at kaibigan sa paginom pero may isang tao na nakilala ko ng lubusan sa pag inom ng kape... dito na mag uumpisa ang bagong bihis ng blog na ito.
something happened that change my life forever.
one of my longest night happened this day. ang bagal ng oras. di ko maramdaman kung sumisikat na ang araw dahil walang bintanang tatagusan ng liwanag. kapiling kita. kasama kita. dis oras ng gabi at gising pa ang mga kaluluwa ngunit walang gustong mag-umpisang magsalita.
bitter mode... duguan
Posted at 09:55 am by ranberzul
ibang estilo
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
 |
 |
 |
 |
ISANG PASASALAMAT SA IYONG PAGBISITA MATA  Mapanghusga Mapaghinala Bulag May ikinukubli May inililihim Mapang akit Mapanukso Makasalan Mapangkutya KOMIKS  Imahinasyon Pantasya Kababalaghan Aksyon Katatakutan Drama Wakasan Itutuloy Nobela Kwento Pakikipagsapalaran Romansa Kwentong puso Bida Kontrabida Sa mga araw-araw na pangyayari, limitado ang isipan natin para matandaan lahat ang mga ito lalo na kung karaniwan lamang. Pansarili man ang dahilan o dumating man ang panahon na ako’y maging makakalimutin meron akong babalikan na magpapa alaala sa akin ng nakaraan. - Rene O. Villanueva
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |