Tambayan Forum
PUPconnect
Pilipino Forum
Snake
Prinsesang Walang Malay
Big Boss's First Lady
Ma-Coup Nut







Wednesday, January 28, 2009
the pink panther



dear lurker,

ikaw ha, nalimutan mo ata na maliit lang ang mundo. di sinasadya nalaman ko na updated ka pa rin pala sa buhay ko. di na nga ako nagpaparamdam sa text, sa ym at sa mga eb. di na rin ako naglalaan ng oras, umiiwas na nga ako pero ang mga detalye alam mo pa rin.

assuming lang... hmmm, siguro sa maigsing oras na inilalaan mo sa pagpunta sa aking kaharian mas lalo mo akong nakikilala kahit maliliit na bagay lang ang naisusulat. dahil dito, hindi mo ako maiwan o malimutan dahil may iniwan na akong marka sa iyo... yun nga lang huli na...

sayang mas malalim pa sana ang ating pinagsamahan o baka sa panahon na ito, mas yumabong pa.


ang minamanmanan,

randy
rands
randyblu
ranberzul
dy
sir rands

dahil kilala mo ako, meron ka pang isang tawag sa akin :D

Posted at 12:10 am by ranberzul
komento  




Tuesday, January 27, 2009
di makatulog


tulog na (sugar free) - lss ako
pero hindi naman ako makatulog. buhay na buhay ang diwa.


tulog na mahal ko
hayaan na muna natin ang mundong ito
lika na, tulog na tayo.
tulog na mahal ko
wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
saka na mamroblema

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…

tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo
sige na, tulog na muna
tulog na mahal ko
at baka bukas ngingiti ka sa wakas
at sabay natin haharapin ang mundo

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…

hanggang makatulog ka









imahe: kuha sa camera nokia n70. galing sa tambay sa timog, nagpaumaga sa loob ng gma 7






Monday, January 26, 2009
to romeo from juliet : QLY (part 2)


parang istorya sa x-files ang pag solve ko sa misteryo kung sino ang nagpadala sa nakuha kong loveletter nung february 14. talagang itinapat pa sa araw ng mga puso. di pa kasi nagpakilala, baka sakaling na i-date ko pa sya. kaya lang medyo mahirap, wala akong makuhang clue. kaya pinabayaan ko na lang muna. masyado nyang ginugulo ang isipan ko.

dapat mag-aral ng mabuti kasi nalalapit na ang finals. kailangang mataas ang makuhang grado sa general average bilang paghahanda sa papasukang unibersidad sa kolehiyo. delikado baka hindi umabot sa required grade.

karir kung karir sa pagrereview, nasagutan naman ang mga tanong sa exam.

physics- paborito kong subject. crush ko pa ang teacher kaya inspirado. "get one and pass" sabi ng guro. "ayusin nyo ang pag check, kada isang mali babawasan ko ang grade nyo" may halong pananakot pa. habang sinasabi isa-isa ang mga sagot, alam ko nang pasado ako at mataas ang makukuha. pagkatapos ay ibinalik na sa may ari ang papel. di nga ako nagkamali, pasado ang grade pero mas matataas pa dahil merong pang tatlong sagot na tama naman pero nilagyan nya ng ekis. kitang kita pa dahil kulay pula ang tinta. sayang ang grade dahil pinaghirapan at pinagpuyatan ko yon.

hinanap ko kung sino ang nag check pero ang nakalagy lang ay "corrected by: QLY" siya na naman! wala naman akong kamag aral na QLY ang initial ng pangalan. pinili pa nya talaga ang papel ko.

inapela ko sa guro. habang nakaupo sya sa harap ng lamesa sa harapan ng classroom ay nilapitan ko, "ma'am may correction po ako, mali po yung tatlo". tiningnan ng guro ang papel ko at hinanap kung sino ang nag check. sabi ko hindi ko kilala, QLY lang ang nakalagay. tumingin uli sa papel ko at ako naman ang tinanong nya. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng QLY?" hindi ang isinagot ko. medyo napayuko ako dahil may sasabihin sya at mahina nyang ibinulong sa tenga ko "code yan sa radyo, ang ibig sabihin ay i love you". nagulat pa ako sa sinabi ni ma'am.

tinanong ng aking guro ang klase at kung sino ang nag check ng papel ko at nagtaas ng kamay ang kaklase ko na nakaupo sa bandang likuran ng upuan. salamat at nasagot ang misteryo.



Posted at 01:11 pm by ranberzul
komento  




Friday, January 23, 2009
closing remarks


masyado atang makabagbag damdamin ang mga nakaraang entry. sa mga nakabasa, salamat sa maikling oras na ginugol nyo. sa mga kaibigan kong gumastos pa ng load para sa text at tawag para tanungin kung ayos lang ako, salamat. sa mga nag pm sa yahoo messenger, wala talagang patawad. di pinalampas kahit naka invisible ako. sa mga na touch, pa cheese burger naman kayo.

ayos lang ako. hindi ko po istorya yang sinulat ko. kwento yan ni "pare", ginawa ko lang masalimuot para may mahabag. nilaro ko lang ang mga salitang ginamit para magmukha syang kaawa-awa.

sa mga naka-relate, marahil nagmahal ka rin kaya mo naintindihan ang sitwasyon.

kay "pare", sana makaramdam ka 'tol. wag kang manhid dahil kwento mo ito. bwahahaha (di nagpaalam)

halos araw-araw (pati na rin sa gabi) ay may nagyayaya sa akin uminom. ayan tuloy nakakuha ako ng teknik kung gusto ko makalibre ng beer. gawa lang ako ng ganitong tema ng entry.

salamat uli dahil pati ito ay binasa mo.



Posted at 01:18 am by ranberzul
komento  

residue part 4


moving on

mahirap sariwain ang nakaraan lalo na't may iniwang pait. nagpapaalaala ng kalungkutan ng bakas ng kahapon. pero patuloy pa rin ang takbo ng buhay. hindi maaring igapos ang aking sarili sa isang sulok na nagmumukmok. sa mga pangyayari'y walang pinagsisihan. panahon lang ang nakatulong para sugat ay maghilom.

nasanay na akong mag-isa. natuto na akong mamuhay ng wala ka. ayos na ang takbo ng buhay kahit wala ng ngiting lumalabas sa aking bibig. nawala man ang ningning ng aking mga mata marahil ito ay inagos noong akoy huling lumuha.


kaya ko na.
kaya ko ng maglakad magisa ng walang kaakbay sa tabi ko...
papalayo.
kahit saan man patungo
kahit hindi alam ang direksyon.
muling nakakapaglakbay na hindi hinihila ng mga pangyayari kahapon.
isang hakbang
dalawang hakbang
matiwasay
walang agam-agam.

ngunit hindi ko batid na sa bawat hakbang ko pala ay muli akong inilalapit sa iyo. sadyang mapagbiro ang tadhana. isa ba muling pagsubok o ako'y kanyang muling nilalaro. sa di naasahang pangyayari, ang mga landas natin ay nagtagpo. katawan natin ay nagkabanggaan, mata natin ay nagkatinginan. wala man salitang lumabas, di man nakapag usap pero pareho tayong nagkagulatan. isang ngiti na lang ang nagpalitan at muling naghiwalay.

itinuloy ko ang paglakad
papalayo.
hindi nakapag pigil at lumingon sa pinagmulan ngunit di na kita muling natanaw

akala ko tapos na hindi pa pala. akala ko wala na, meron pa rin pala





Posted at 12:01 am by ranberzul
komento  




Thursday, January 22, 2009
residue part 3

akala ko tapos na hindi pa pala. akala ko wala na, meron pa rin pala.


bitterness

sino ba ang hindi umiyak sa pagmamahal? sa kasiyahan, may luha. sa kalungkutan may luha pa rin. batid natin na kapag nagmamahal, hindi lang puro kasiyahan, kaakibat nito na tayo ay masaktan. ito ang nagbibigay ng kulay at ito rin ang nagpapatibay ng samahan pero bakit hindi napaghahandaan?

maliit na nga ang aking kwarto, lalo pang pinaliit ng iyong alaala. inalis ko na nga ang mga larawan mo ngunit ito pa rin ay aking nakikita sa bawat sulok ng aking kinalalagyan. hirap dalawin ng antok. at kung sakaling makatulog ikaw pa rin ang nasa panaginip.

ang dating mga kaibigan na bihira ng makasama dahil parating nasa piling mo ay aking muling binalikan. marahil hindi sanay na makitang mag-isa kaya ikaw parati ang unang hinahanap. para wala ng mahabang usapan, inililigaw ko ang kwentuhan. subalit kahit na anong gawing paliguy-ligoy usapang puso pa rin ang kinahahantungan. sa una ay pinagtatakpan bawat pangyayaring naganap ngunit di pa rin maikubli dahil bakas sa mukha ang kalungkutan.

move on, yan ang madalas sabihin ngunit di madali ang gumalaw dahil para akong napilayan. bakit kahit sa maliliit na bagay ikaw ay naiuugnay. kung noon kahit walang ginagawa ay napapangiting mag-isa. ngayon kulang na lang sa bawat oras ay magmukmok.

di maiwasan tanungin ang sarili kung saan nga ba nagkamali. ako ba ay may pagkukulang o hindi na ba natin kayang magmahalin muli.

i'll let you go kung hindi ka na masaya, bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa taong gusto na akong bitawan. aasa na lang sa panahon na darating din ang araw na magiging tayo pa ring dalawa.

hold on, ang pakikipagtalo ng isa kong isipan. dapat ipaglaban kung tunay ang pagmamahal.






Posted at 11:29 am by ranberzul
komento  




Saturday, January 17, 2009
residue part 2


Akala ko tapos na hindi pa pala. Akala ko wala na, meron pa rin pala.



Farewell

“Wala na tayo…”
“tapos na… ayaw ko na.”

Katahimikan.
Nakakabingi

Ouch! ang sakit. Ego lang ba? Ayaw kong ipakitang nasaktan ako. Ayokong magpa apekto. Pinigilan kong pumatak ang luha ko. Hindi ngayon. Hindi sa harap mo ngunit tinalo ako ng damdamin kahit anong pagkukubli, garalgal na boses ang lumalabas sa aking bibig sinabayan ng luhang umaagos sa aking pisngi.

Hindi madaling magpaalam sa taong ayaw mong iwan pero paano nga ba ang magpaalam kung ang pagmamahalan ay iyo nang tinuldukan?




Posted at 03:57 am by ranberzul
komento  




Wednesday, January 14, 2009
to romeo from juliet (with love)


sa ilang mambabasa ng blog ko dito sa aking kaharian, di ko maiwasang maglagay ng ilang larawan ng kababaihan sa ilang entry ko para pampadagdag rekado. pero para po sa paglilinaw hindi po ako babaero.
inosente pa ako, at hindi pa mulat sa ganitong gawain.
walang malay
wala pang ka alam-alam.


unang linya sa kantang torpedo ng eraserheads

pasensya na
kung ako ay
di nagsasalita
hindi ko kayang sabihin
ang aking nadarama....





drixx mr.blue,,

hi, mamatay matay ka na sa kakaisip kung
sino ako noh nagtatanong ka pa kung kanino dyan..
gusto ko lang naman na ipaalam sayo na inlove ako
over grabe hindi ako makatulog kakaisip sayo
sorrie ayokong magpakilala sayo k'ze baka magalit
ka eh. suplado ka naman kasi eh. torpe ka pa...
nasasayo naman yan kung gusto ma akong makilala eh
sagutin mo lang tong letter ko. bigay mo sa aken.
mali hindi mo nga pala ako kilala noh. ah ano nalang
kung trip mong sagutin ahh lagay mo na lang sa last





row ng chair don't worry may kukuha nayan noh..
pero hindi ako , secret na kung sino man yon
oh sige na bye bye nah....

i love you... so much.... qly...



your secret admirer,,
...smile...



---------
ako lang naman ang hinahabol nila
hindi ako chickboy
hindi ko kasalanan... pagkat akoy
ipinanganak lang na habulin ;D

---------

ang sarap balikan, ano na kaya ang nangyari sa kanya?
huling kita ko sa kanya, addict na sya.
sana muli kaming magkita
para sabay kaming makapag jammin' :D

---------

todo effort pa talaga sa pag gawa ng love letter. walang bahid ng touch n' go. nakakatuwa pag binabalikan kahit ilang ulit nang binabasa hindi tulad ng mga sweet text messages na kadalas ay forwarded lamang.






Posted at 01:01 am by ranberzul
komento  




Tuesday, January 13, 2009
residue part 1


Akala ko tapos na hindi pa pala. Akala ko wala na, meron pa rin pala.


In love

Nang makilala kita, binigyan mo ng direksyon ang buhay ko. Unti-unting mong ipinakilala sa akin ang mundo. Tinuruan mo akong tumuklas ng mga bagay na hindi ko alam. Ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na kailanmay hindi ko pa nadama.

Para bang ang lahat ng bagay ay kaya kong gawin. Parang walang imposible, alam kong magagawa ko basta’t nararamdaman kong nariyan ka lang sa tabi ko. Pakiramdam ko’y di nauubusan ng lakas dahil hindi nakadarama ng kapaguran.

Inari natin ang mundo. Ipinatuklas mo sa akin ang tagong paraiso na tanging ikaw lang ang nakakaalam. Walang batas na nagbabawal, walang limitasyon sa kung ano ang nais gawin. Sumasayaw ang mga puso natin kahit walang musika. Ang ating bulong ay nagiging huni at ito’y inililipad sa himpapawid. Sabay tayong nangarap habang nakatingala sa kalangitan at nagbibilang ng mga bituin.

Ang sarap talaga ng umiibig. Walang hanggan ang kasiyahang nadarama. Para kang inilulutang sa hangin. Nakakatagpo tayo ng katuwang sa pagsuong ng bukas. Napapangiti ng walang dahilan at ito pa kadalasan nagiging tampulan pa ng tuksuhan.

Ang sabi kapag umiibig, nagbabago ang mundo. Kapag tayo ay magkasama ang oras natin ay kay bilis ng takbo at kung tayo naman ay magkahiwalay pilit natin minamadali ang pag ikot ng bawat minuto.

Ang pagmamahal ay walang kasiguraduhan, minsan tayo rin ay nagkakamali. May dumarating na hindi pagkakaunawaan na nagiging dahilan ng pagkakahiwalayan. Kahit na agapan ang namuong problema kung nalamatan na ang nararamdaman ay mahirap nang isalba.

Paalam, mahirap sabihin. Salitang ayaw kong pakawalan sa aking bibig.


Posted at 03:25 am by ranberzul
komento  




Monday, January 12, 2009
gain weight


parang nadagdagan na naman ang size ng bewang ko
"parang" lang naman
wala pang kasiguraduhan.
paano ko nasabi?
dahil sumikip ang brief ko
marahil napalakas sa pagkain
nitong nakaraang bakasyon
dumaan ang pasko at bagong taon
mahaba rin ang oras sa pag-inom



ang 26 inches kong bewang,
baka 27 inches na ngayon.
wala ng kokontra dahil may pruweba ako



eto pa ang isa, para makumbinsi ka



pero bakit hindi pa ako kumbinsido na tumaba ako?
dahil may isa pa akong sapantaha
dahil only belo touches my skin
baka ang nag gain ng weight ay ang alaga ko.



Posted at 11:36 am by ranberzul
komento  




Previous Page Next Page



ranberzul
October 6th 1981  (Age 28)
Male
Philippines

lahat tayo ay hari na namumuno sa kanya-kanyang nasasakupan. gumagawa ng batas, tagapag-patupad ng naisin. huwag mong hayaang mapadpad ka sa aking kaharian kung hindi mo ibig sumunod sa aking mga itinakda.









cheap web site hosting
provided by cheap web hosting company.



   





<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

ISANG PASASALAMAT SA IYONG PAGBISITA



MATA





Mapanghusga
Mapaghinala
Bulag
May ikinukubli
May inililihim
Mapang akit
Mapanukso
Makasalan
Mapangkutya



KOMIKS





Imahinasyon
Pantasya
Kababalaghan
Aksyon
Katatakutan
Drama
Wakasan
Itutuloy
Nobela
Kwento
Pakikipagsapalaran
Romansa
Kwentong puso
Bida
Kontrabida




Sa mga araw-araw na pangyayari, limitado ang isipan natin para matandaan lahat ang mga ito lalo na kung karaniwan lamang. Pansarili man ang dahilan o dumating man ang panahon na ako’y maging makakalimutin meron akong babalikan na magpapa alaala sa akin ng nakaraan. - Rene O. Villanueva







Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed