Entry: ocho pesos Thursday, January 29, 2009



usad pagong ang jeep na nasakyan ko, ang magkabilaan ng kalsada ay puno ng sasakyan. kanya kanyang busina at nag sisingitan. unahan sa pag usad at ayaw mag bigayan ang mga drayber. naiinip na ako. tagaktak na ang pawis na lumalabas sa aking balat. pati ang likuran ng damit ko ay nagmamarka na rin sa sandalan ng jeep kapag ako ay napapadikit rito.

kinapa ko ang bulsa ko para ma-check ang cellphone ko. akala ko kasi ay may nagtext dahil parang may nag vibrate. wala naman pala marahil lang siguro sa makina ng sasakyan. may nakapa rin akong barya. nakapagbayad na ako sa jeep pero napaisip ako kung bakit may bariya pa sa bulsa ko.

naalala ko nga pala kagabi, habang pauwi ako lulan ng jeep. bumaba yung kasakay ko, isang babae na nasa kalagitnaan siguro ng edad quarenta at isang bata na mga diez aņos ang gulang. papagpagin ko sana yung upuan na pinang galingan nila para doon ako pumuwesto nang may nakita akong barya. isang limang pisong buo at tatlong mamiso. kinuha ko at tinawag ang mag ina para ibigay ang naiwang pera pero hindi na nila narinig dahil agad silang nakababa at mabilis na humarurot papalayo ang jeep. naiwan sa kamay ko ang barya. hindi naman napansin ng mga kasakay ko sa jeep ang hawak kong barya pero napaisip ako kung ibibigay ko ba sa drayber o aangkinin ko na lang ang naiwang pera. dahil nakapwesto na ako sa inupuuan nung mag ina kakina at malayo na ako sa drayber ay napagpasyahan ko na lang ilagay sa aking bulsa.

mabagal pa rin ang takbo ng mga sasakyan dahil rush hour na. hindi naman ako pwedeng bumaba dahil mlayo pa at mapapahaba ang lalakarin ko. may nakitang takatak ang drayber marahil sa sobrang inip kaya bumili ng sigarilyo at kendi. tinawag ko rin ang tindero at bumili ng diaryo. ocho pesos daw, sakto ang baryang nakuha ko kagabi kaya ito na ang aking ibinayad.

pagkabasa ko pa lang sa headline ay di na maganda ang bumungad na balita. BABAE INARARO NG BUS. masyadong brutal naman ang headline ng tabloid para sa umaga. pampalipas oras para hindi mainip ay binuklat ko ang loob, para makita ang karugtong ng balita.

para akong pinaghinaan sa nakita ko. may litratong nakalagay sa diaryo. pamilyar ang itsura ng bata. siya yung nakasakay ko kagabi sa jeep ngunit hindi nya kasama ang kanyang ina. ang tinutukoy na biktima sa dyaryo ay walang iba kundi ang nanay nya. duguan at wala ng buhay. halos wala ng pagkakakilanlan maliban na lang sa suot na gulagulanit na damit.

ayon sa salaysay ng bata sa pulis ay pauwi na sila ng bahay. tanging barya na lang ang pera nilang mag ina ngunit sa kasamaang palad ay nawala ito. naglakad na lang sila pauwi. masyadong masikip sa bangket dahil sa dami ng mga nagtitinda kaya naglakad sila sa labas ng bangketa tapos ay may biglang bus na sumulpot at nahagip ang kanyang ina at nakaladkad ito papalayo sa kanya.

butil butil na pawis ang lumabas sa akin, hindi ko na natapos basahin ang diaryo at nahulog ito sa aking kamay.







---------
ang inyong nabasa ay pawang kathang isip ko lamang ;D


   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments