Entry: pahipon ka, pababoy ako Tuesday, May 03, 2011



walang ulam sa bahay
buti na lang may hipon pa sa freezer.
di naman ako marunong magluto so bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko.

ooops, teka. hindi naman halabas ang ginawa ko.
kailang din naman kahit papano may kaunting effort.
buttered garlic shrimp
para maiba naman ang lasa.

sakto habang nagluluto, dumating ang kuya ko.
parang di naman nagustuhan kaya lumabas ng bahay
pagbalik may bitbit na ulam. bumili sa carinderia ng caldereta

after magluto, naligo muna ako.
habang nasa banyo, may kumakalampag na pinggan sa kusina.
baka kumakain na kuya ko.
paglabas ko hindi nabawasan yung hipon
kaya kinain ko na lahat.

nung tapos ng magcomputer kuya ko
tinanong ako kung wala ng hipon. sabi ko ubos na, di ba kumain ka na?
hindi pa daw. yung aso muna pinakain nya.

tsk. hayop na aso. sabagay hayop nga talaga
akalain mo yon, nauna pa kumain sa amo.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments